PH, US nagpakita ng tikas sa WPS!

Nagsagawa ng joint air patrols ang Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea (WPS) kahapon bilang bahagi ng 3rd Maritime Cooperative Activity (MCA).

Nagsagawa ng joint air patrols ang Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea (WPS) kahapon bilang bahagi ng 3rd Maritime Cooperative Activity (MCA).

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), tatlong FA-50 fighter jet ng Philippine Air Force ang sumama sa isang B-52H bomber aircraft ng US Air Force mula Ilocos Sur hanggang Mindoro Strait, mga karagatan na malapit sa WPS.

“It is the air component of the said activity that demonstrates the commitment of both armed forces to enhancing interoperability and advancing regional peace and security in the Indo-Pacific,” ani ng AFP sa isang pahayag.

“It also further strengthens the capability of the AFP to perform its mandate and maintain its presence over the Philippines’ exclusive economic zone,” dagdag pa nito.