PH, US, Japan, Australia maritime exercise sa WPS, tagumpay!

Tagumpay na naidaos nitong Linggo sa West Philippine Sea (WPS) ang makasaysayang multilateral maritime cooperative activity sa pagitan ng Pilipinas, Amerika, Australia, at Japan.

Tagumpay na naidaos nitong Linggo sa West Philippine Sea (WPS) ang makasaysayang multilateral maritime cooperative activity sa pagitan ng Pilipinas, Amerika, Australia, at Japan.

Sa naturang aktibidad ay nakiisa ang tatlong barko ng Pilipinas, ang BRP Gregorio Del Pilar (PS-15), BRP Antonio Luna (FF-151), at BRP Valentine Diaz (PS-177).

Ginamit din ang AW-109 helicopter ng BRP Gregorio Del Pilar at ang AW-159 Wildcat anti-submarine helicopter ng BRP Antonio Luna.

Samantala, isinabak ng Amerika ang littoral combat shop na USS Mobile, at isang P-8A Poseidon aircraft. Ipinadala naman ng Australia ang guided missile frigate na HMAS Warramunga at isang Royal Australian Air Force P-8A Poseidon maritime patrol aircraft.

Nakilahok din ang barkong JS Akebono ng Japan Maritime Self-Defense Force.

Ang mga sasakyang pandagat at panghimpapawid ay nagsagawa ng communication exercise, division tactics, at mga officer of the watch manuever.

Ayon kay Col. Xerxes Trinidad, hepe ng Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office (AFP-PAO), layunin ng maritime exercise na palakasin ang abilidad ng apat na bansa sa pagsasagawa ng mga maritime operation.

“The MMCA demonstrated the participating countries’ commitment to strengthen regional and international cooperation in support of a free and open Indo-Pacific through interoperability exercises in the maritime domain,” ani Trinidad.