PH, US, Japan, Australia magpapakita ng lakas; joint maritime exercise sa WPS nilatag

Nakatakdang magsagawa ng joint maritime activity ang Pilipinas, United States, Japan, at Australia sa West Philippine Sea.

Nakatakdang magsagawa ng joint maritime activity ang Pilipinas, United States, Japan, at Australia sa West Philippine Sea.

Gaganapin ang naturang aktibidad bukas ng Linggo, Abril 7, ayon sa inilabas na joint statement ng apat na bansa.

Base sa pinuno ng dipensa ng apat na nasyon, ang pagkakaroon ng ganitong aktibidad ay magtataguyod sa kalayaan sa paglalayag at paggalang sa mga karapatan sa karagatan.

Kabilang sa mga lumagda sa joint statement ay sina Philippines Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., US Secretary of Defense Lloyd James Austin III, Japan Defense Minister Minoru Kihara, Australia Deputy Prime Minister and Minister for Defence Richard Marles.

“The Maritime Cooperative Activity will be conducted by naval/maritime and air force units in a manner that is consistent with international law as well as domestic laws and rules of respective nations, and with due regard to the safety of navigation and the rights and interests of other states,” nakasaad sa pahayag.