PH patitibayin ugnayan sa India

Nais ng Department of National Defense (DND) na pagtibayin ang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa bansang India pagdatiang sa mga isyung may kinalaman sa climate change.

Nais ng Department of National Defense (DND) na pagtibayin ang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa bansang India pagdatiang sa mga isyung may kinalaman sa climate change.

Ito ang resulta ng pakikipag-pulong ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kay Indian Minister of External Affairs Subrahmanyam Jaishankar noong nakaraang linggo.

“For his part, as the Chairperson of the National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), Secretary (Gilberto) Teodoro (Jr.) highlighted the possibility of cooperation between the Philippines and India on climate change mitigation to help secure vulnerable internal and external supply chains,” pahayag ni DND spokesperson Arsenio Andolong.

“Both officials looked forward to more robust defense and military engagements, particularly the conduct of ministerial-level meetings,” dagdag pa niya.

Bukod pa rito, pinasalamatan rin umano ni Teodoro ang India sa suporta nito sa bansa sa mainit na agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Patunay rito ang pagbili ng Pilipinas ng tatlong BrahMos cruise missile system mula sa India, na inaasahang darating ngayong taon. Gagamitini ang mga nabanggit na armas sa Shore-Based Anti-Ship Missile System ng Philippine Navy.