PH, papalag ‘pag binalewala karapatan sa WPS – PBBM

Patuloy na makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa China sa mapayapang paraan upang ayusin ang sigalot sa West Philippine Sea (WPS). Ngunit, hindi mag-dadalawang isip ang bansa na pumalag kung patuloy na babalewalain ang karapatan nito sa sarili nitong teritoryo.

Patuloy na makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa China sa mapayapang paraan upang ayusin ang sigalot sa West Philippine Sea (WPS). Ngunit, hindi mag-dadalawang isip ang bansa na pumalag kung patuloy na babalewalain ang karapatan nito sa sarili nitong teritoryo.

Ito ang matapang na inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kanyang naging talumpati kahapon sa Lowy Institute Peace and Resilient Amidst Great Power Rivalries: The Philippine Perspective sa Melbourne, Australia.

“We pursue with the People’s Republic of China Comprehensive Strategic Cooperation founded on mutual respect and mutual benefit,” ani Marcos.

“Our independent foreign policy compels us to cooperate with them on matters where our interests align, to respectfully disagree on areas where our views differ, and to push back when our sworn principles, such as our sovereignty, sovereign rights, and our jurisdiction in the West Philippine Sea – are questioned or ignored,” dagdag pa niya.

Giit ng Pangulo, patuloy na isusulong ng kanyang liderato ang kapakanan at interes ng bansa sa usapin ng isyu sa teritoryo.

Ito ay sa gitna ng patuloy na pagsasantabi ng China sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 Arbitral ruling na sumuporta sa Pilipinas sa gusot sa South China Sea.

“It is unfortunate that despite the clarity provided by international law, provocative, unilateral, and illegal actions continue to infringe upon our sovereignty, our sovereign rights, our jurisdictions,” ani Marcos.

Dagdag pa niya, ang patuloy na agresibong aktibidad ng China ay hadlang sa kapayapaan at kaayusan sa ASEAN region.