PH Navy paiigtingin depensa ng bansa

Pagtutuunan ng Philippine Navy (PN) ang pagpapalakas ng kanilang kakayahan para sa external defense cooperations bilang suporta sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC).

Pagtutuunan ng Philippine Navy (PN) ang pagpapalakas ng kanilang kakayahan para sa external defense cooperations bilang suporta sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC).

Sinabi ni Navy flag officer in command Vice Adm. Toribio Adaci Jr., mahalaga ang pagpapaigting sa depensa ng bansa lalo pa ngayong patuloy ang ilang hamon sa marinetime security sa West Philippine Sea (WPS).

“Amid these changes and the increasing tension in the western part of our territory, we are keenly aware of our Navy’s prominent role in our national defense posture. The CADC now serves as the basis of our strategic framework towards securing the Philippine archipelago up to the 200 nautical mile exclusive economic zone and ensuring that our natural resources are utilized for the benefit of our nation,” saad ni Adaci.

Bukod pa riyan, bibigyang pansin din ng PN ang strategic basing and deployment of forces at force structuring and defense cooperation ng pwersa.

Sa ngayon, nakakuha na ang PN ng modernong naval assets at nakapag-invest na rin sa advanced surveillance at reconnaissance technologies.