PH Navy helicopter bumagsak sa Cavite, 2 todas

Patay ang dalawang piloto matapos na mag-crash ang training helicopter ng Philippine Navy sa Cavite nitong Huwebes ng umaga.

Patay ang dalawang piloto matapos na mag-crash ang training helicopter ng Philippine Navy sa Cavite nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), nangyari ang insidente malapit sa isang palengke sa Cavite.

Makikita sa larawan na binahagi ng AFP ang debris ng helicopter na nawasak dahil sa pag-crash.

Sinubukang isugod sa ospital ang dalawang piloto ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay ang mga ito.

Patuloy pang iniimbestigahan ng awtoridad ang sanhi ng aksidente.