PH Navy ‘di hahayaang ikulong ng China mga mangingisdang Pinoy

Nangako ang Philippine Navy (PN) na hindi hahayaan ng gobyerno na ikulong ng China ang mga Pilipino dahil sa umano'y pag-trespass sa West Philippine Sea (WPS), na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Nangako ang Philippine Navy (PN) na hindi hahayaan ng gobyerno na ikulong ng China ang mga Pilipino dahil sa umano’y pag-trespass sa West Philippine Sea (WPS), na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

“Nothing will happen,” pahayag ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad sa isang press briefing.

Dahil sa banta na ito ng China, nakipagtulungan ang PN sa Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, US, at iba pang mga security partners para mapigilan ang anumang gagawing hakbang ng naturang bansa sa mga mangingisdang Pilipino.

Dagdag pa rito, mas pinalakas din umano ng gobyerno ang pagpapatrol sa WPS.

“We are not the only one concerned. Even other countries are concerned about that. This is not the problem of the Philippines, but the problem of Association of Southeast Asian Nations and the international community,” ani Trinidad.

“Giving statements like that (by Beijing) is irresponsible, much more implementing them,” dagdag pa nito.