PH Navy chief bumisita sa Pag-asa Island

Binisita ng pinakamataas na lider ng Philippine Navy (PN) ang mga tropa at military facilities sa Pag-asa Island nitong Biyernes.

Binisita ng pinakamataas na lider ng Philippine Navy (PN) ang mga tropa at military facilities sa Pag-asa Island nitong Biyernes.

Ayon sa PN, ang pagbisita ni Navy Flag Officer in Command, Vice Admiral Toribio Adaci Jr. at iba pang senior officials ng Navy ay upang ipakita ang soberanya ng bansa at kahandaan nitong patuloy na pagandahin ang isla bilang isang tourist destination.

“This is to show them not only what Navy troops are doing there but also the Marines, Air Force, Army, PNP (Philippine National Police), and Coast Guard,” ani Commodore Roy Vincent Trinidad, Navy spokesperson for the West Philippine Sea (WPS).

“Pag-asa is accessible to everybody. It is now open to tourism. It is ours, and we would like to encourage Filipinos to visit Pag-asa Island. It is also to show them what our country is doing on the island,” dagdag pa nito.

Isa rin aniya itong paraan upang itaas ang kamalayan ng publiko hinggil sa iba’t-ibang outpost ng bansa sa WPS.

Kamakailan ay sunud-sunod ang insidente ng panghaharass ng China sa mga Pilipinong mangingisda at sasakyang pandagat ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc.

Bunsod ito ng mas pinalakas na presensya ng Pilipinas sa naturang teritoryo upang siguruhin ang kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda.