PH Navy babalewalain fishing ban ng China

Hindi bibigyang pansin ng Philippine Navy (PN) ang bagong mandato ng China kung saan ipinagbabawal na nito ang pangingisda sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Hindi bibigyang pansin ng Philippine Navy (PN) ang bagong mandato ng China kung saan ipinagbabawal na nito ang pangingisda sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Kamakailan kasi ay ipinahayag ng China ang pagbabawal sa pangingisda mula Mayo 1 hanggang Setyembre 16 sa mga lugar sa hilaga ng South China Sea na nasa hilaga ng 12 degrees north latitude.

Sinabi ni PN spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Roy Vincent Trinidad na hindi sila matitinag sa kanilang tungkulin sa pagsisigurong may maayos na kalagayan ang bawat Pilipino sa dagat at lupa.

“The PN does not recognize this provocative statement nor will we be deterred in performing our mandate of securing the welfare of Filipinos wherever he/she is – on land or on sea,” ani Trinidad.

“Overall, (our) patrols have been increased in the entire WPS, to include BdM (Bajo de Masinloc), and our northern islands,” dagdag pa nito.

Samantala, sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na mas paiigtingin ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang pagpapatupad sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept upang maprotektahan ang teritoryo at exclusive economic zone ng bansa.