PH, Japan military, malapit nang magsanib puwersa!

Nilarawan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na "very close" o malapit nang pirmahan ang balikatan ng mga militar ng Pilipinas at Japan.

Nilarawan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na “very close” o malapit nang pirmahan ang balikatan ng mga militar ng Pilipinas at Japan.

Ayon kay Teodoro, pirma na lang ang kulang sa reciprocal access agreement (RAA) upang maisagawa ang military cooperation ng dalawang bansa tulad ng mga trainings, disaster relief operations, at mas mabilis na paglilipat kagamitan pang-militar.

“It’s going to be signed,” saad ni Teodoro nitong Swedish National Day reception.

Pag-amin naman ni Teodoro ay walang pang eksaktong petsa kung kailan magaganap ang pirmahan.

Sinabi naman sa ulat ng Kyodo News noong nakaraang buwan na maaaring makumpleto ang RAA ng Pilipinas at Japan ngayong Hulyo sa Manila.