PH, Japan defense alliance pirmado na!

Nilagdaan na ng Pilipinas at ng Japan ang Reciprocal Access Agreement (RAA) na magpapalakas sa alyansa pang katubigan ng mga bansa.

Nilagdaan na ng Pilipinas at ng Japan ang Reciprocal Access Agreement (RAA) na magpapalakas sa alyansa pang katubigan ng mga bansa.

Kasama sa mga sumelyo sa RAA ay sina Japanese Foreign Minister Kamikawa Yoko and Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., na siyang nagrepresenta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ginanap sa Malacañang.

“Your presence here increases our confidence in the importance that the Japanese government puts on this very important agreement that we have. And I’m very glad that we have come to this day,” sabi ni Marcos.

Ayon kay Kamikawa, isang malaking “achievement” para sa dalawang bansa ang naselyuhang RAA at nangakong makikipagtulungan kay Teodoro upang mas palakasin pa ang defense cooperation ng Pilipinas at Japan.

Ang Japan ang pinakabago sa mga defense pacts ng Pilipinas sa mga karatig bansa tulad ng Amerika at Australia habang may nakahain na ring defense deal sa France.