PH, India magsasanib pwersa sa isang maritime exercise!

Magkakasa ng maritime exercises at iba pang aktibidad ang mga militar ng Pilipinas at India upang mas palakasin ang relasyon ng dalawang bansa.

Magkakasa ng maritime exercises at iba pang aktibidad ang mga militar ng Pilipinas at India upang mas palakasin ang relasyon ng dalawang bansa.

Sinalubong ng Philippine Navy at ng Embassy of India nitong Linggo sa Port Area, Manila ang tatlong Indian naval ship upang magsagawa ng mga pagsasanay sa loob ng apat na araw.

“The Indian naval ships are visiting friendly foreign countries to share our experiences and best practices with host nation navies. We look forward to engaging interactions during our stay at Manila,” sabi ni Rear Admiral Rajesh Dhankar ng Indian Navy.

Isa ang India sa may pinakamalaking armed forces sa mundo na may 1.5 milyong active personnel, ayon sa datos ng Central Intelligence Agency (CIA).