PH gov’t, hinahanap na ang 2 na nawalang Pinoy sa Israel sa tulong ng IDF

Dalawa na lang ang nawawalang Pilipino sa gitna ng bakbakan ng Israel at militanteng Hamas, ayon sa gobyerno.

Nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa Israel Defense Force upang kumpirmahin kung nasaan na ang dalawang nawawalang Pilipino sa Israel, ayon sa isang opisyal.

Umabot na sa 770 na pamilya ang humiling ng tulong sa gobyerno para hanapin ang mga nawawalang kamag-anak nila sa pamamagitan ng mga hotline, ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac.

Mula sa bilang, natukoy na ang 768, samantalang hinahap pa ang natitirang dalawa, ayon sa opisyal.

“We already sought help with the Israeli Defense Forces… We are coordinating with Israeli Defense Forces,” aniya.

“But we’ve been assured na itong ating mga kababayan ay hinahanap,” giit ni Cacdac.

Nakikipag-ugnayan na rin ang gobyerno sa mga pamilya ng nawawalang Pilipino, paliwanag ng opisyal.