PH Gov’t hihingin ang tulong ng Japan sa hoax bomb threats

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) may ginagawa ng koordinasyon ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) hinggil sa isyu matapos lumabas na galing ng Japan ang e-mail laman ang pagbabanta.

Nakikipag-ugnayan na ang Pilipinas sa Japanese government para hilingin ang imbestigasyon sa hoax bomb threats na natanggap ng ilang mga tanggapan ng pamahalaan nitong martes.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) may ginagawa ng koordinasyon ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) hinggil sa isyu matapos lumabas na galing ng Japan ang e-mail laman ang pagbabanta.

“Efforts are now on the way to request the Japanese government to investigate thoroughly and identify the sender…There is no cause for alarm as this sender and email has been tagged as hoax,” ayon sa CICC.

Ang kaparehong email ay natanggap din ng ilang mga government agency sa Seoul, South Korea.

Ganito rin ang bomb threats na naranasan noong 2023 ng ilang mga ahensya.

Kabilang sa nabulabog ng bomb threats ang opisina ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City, maging Deped division office sa Bataan at ilan pang government offices sa Metro Manila at probinsya.

Bagamat kinokonsiderang hoax, nilinaw ng CICC na kailangan pa ring magpatupad ng “preparedness efforts and emergency protocols” ang naturang mga tanggapan.