PH gagastos milyones sa repair ng PCG ship na sinira ng China

Sasagutin ng Pilipinas ang pagpapagawa ng mga nasira sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na binomba ng tubig ng China.

Sasagutin ng Pilipinas ang pagpapagawa ng mga nasira sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na binomba ng tubig ng China.

Ayon kay PCG Manila at Central Luzon district acting commander Commodore Arnaldo Lim, abot sa P2 hanggang P3 million ang napinsala sa BRG Bagacay.

Kasama sa tuluyang nasira ay ang LED panel ng barko. Nawasak din ang canopy at railings ng bridge ng barko.

“Ngayon sa sobrang lakas ng tubig, nabuwal at nasira ang LED screen display natin. Ito ang nagwe-welcome at nagbibigay ng babala ‘hindi puwede mangisda dito,’ ito yung LED screen na puwede mag-broadcast ‘yung mga gusto nating sabihin,” saad ni Lim.

Nang matanong si Lim kung sino ang magpapagawa ng nasirang barko, sinabi nito na ang gobyerno ng Pilipinas ang gagastos para sa repair.

Ito’y kahit pa ang China ang dahilan ng pagkasira ntg BRG Bagacay.

“I don’t think ‘yung kabilang kapitbahay natin ang magbabayad nito. The government will,” tugon ni Lim.

Binomba ng tubig ang BRG Bagacay habang papuntang Pantag Shoal para tulungan ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).