PH flag patch, ikakabit sa battle dress uniform ng militar

Iniutos ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner na magiging bahagi na ng AFP-wide battle dress uniform ang patch ng bandila ng Pilipinas.

Iniutos ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner na magiging bahagi na ng AFP-wide battle dress uniform ang patch ng bandila ng Pilipinas.

“As chief of staff, I have authorized all members of the AFP to wear our flag on our right arm,” saad ni Brawner.

Layon anya ng hakbang na ipakita ang patriotism at solidarity ng mga sundalo bilang malinaw na paalala ng pangako ng AFP na itaguyod ang soberenya at territorial integrity ng Pilipinas.

Ito rin ay para i-align sa pagsisikap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itaguyod ang national pride at pagkakaisa sa mga Pilipino.

“This aligns with the broader efforts of President Ferdinand Marcos Jr. to foster national pride and unity among Filipinos,” dagdag ng opisyal.

Nabatid na isinusuot lamang noon ng mga tauhan ng AFP ang patch ng bandila ng Pilipinas kapag nagsasagawa ng exercises kasama ang foreign military counterpart, tulad ng “Balikatan,” at kapag nasa ibang bansa.