PH envoy to US: Pilipinas, deliks sa cyber warfare

Nakompromiso na diumano ang mga institusyon sa bansa, ayon kay Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez. Ito ang nakikitang dahilan kung bakit at risk ito sa cyber warfare.

Nanganganib sa cyber warfare ang halos lahat ng institusyon sa Pilipinas ayon kay Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, na siya ring nagsabi na “severely compromised” na ang marami dito.

Dagdag pa ni Romualdez, magpapadala ang Estados Unidos ng mga eksperto sa cybersecurity upang mas suriin pa ang cybersecurity ng mga institusyon sa bansa—o ang kanilang kahandaan at kakayanan na ma-detect at pigilan ang mga cyberattack gaya ng ransomware at cyber espionage.

“From the intelligence information that we received, almost all our institutions have been compromised, severely compromised. Our telcos have been severely compromised, so it’s like with the flick of the switch they could just turn off everything,” sinabi ni Romualdez sa isang panayam sa programang “The Chiefs” nitong Sabado, Setyembre 2.

Matatandaang nagbabala na kamakailan lamang ang mga security officials ng Estados Unidos na naglalagay ang China ng mga radar-evading balloon upang magsagawa tiktikan ang mga security installation ng iba’t ibang bansa.