PH envoy to US: Pakikipag-alyansa sa Amerika, bahagi ng defense strategy ng Pilipinas

Pabor sa Pilipinas ang ang pinaigting na relasyon ng bansa ang ng Estados Unidos.

Pabor sa Pilipinas ang ang pinaigting na relasyon ng bansa ang ng Estados Unidos.

Ito ang pananaw ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, na siya ring nagsabi na ang bagong foreign policy ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay isang tamang desisyon, bagaman ito ay nakikitang banta sa China.

Sa isang panayam sa “The Chiefs” sa One News noong Sabado ng gabi, Setyembre 2, sinabi ni Romualdez na ang gobyerno ng US ay nag-aalok ng “iron-clad” na suporta at tulong para sa Pilipinas simula pa lamang noong administrasyon ni dating US President Donald Trump.

Ang Pilipinas naman ay pinag-iigting ang relasyon nito sa Estado Unidos bilang bahagi ng defense strategy nito.

“We have now stepped up our relationship with our old ally in the United States. This is where we have been very clear, it’s part of our defense strategy,” paliwanag ni Romualdez.

Matatandaang lumamig ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos noong panahon ni dating Pangulo Rodrigo Duterte, na mas pinaboran ang pakikipagkaibigan sa China.

Subalit sa pag-upo ni Pangulong Marcos, ay muling kumabig ang Pilipinas sa Estados Unidos, na siya namang ikinagagalit ng China.