PH Coast Guard hinarang ng China sa Escoda Shoal

Muling sinubukang harangan ng Chinese Coast Guard (CCG) ang isang Philippine marine scientific research mission sa Sabina Shoal, kilala rin bilang Escoda Shoal, sa West Philippine Sea.

Muling sinubukang harangan ng Chinese Coast Guard (CCG) ang isang Philippine marine scientific research mission sa Sabina Shoal, kilala rin bilang Escoda Shoal, sa West Philippine Sea.

Noong Martes, nagharap sa gitna ng dagat ang dalawang Rigid Hull Inflatable Boats (RHIB) mula sa China at Pilipinas.

Noong una ay sinusubukan pa ng dalawang RHIB na lagpasan ang isa’t isa, hanggang sa tuluyan nang nagsalpukan ang mga ito.

Base sa isang video na inilabas ng GMA News TV, maririnig pa na nakiusap ang Philippine Coast Guard (PCG) sa CCG.

“China Coast Guard, China Coast Guard, this is PHL Coast Guard, we are conducting marine scientific research, please do not interfere,” panawagan ng PCG.

Samantala, wala namang naiulat na nasaktan sa naturang insidente.