PH Coast Guard ayaw gayahin pambu-bully ng China

Hindi gaganti ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pag-water cannon ng China sa West Phillippine Sea.

Hindi gaganti ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pag-water cannon ng China sa West Phillippine Sea.

Ito ang sinabi ni PCG Commodore Jay Tarriela base na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Tarriela, inabisuhan sila ni Marcos na manatiling professional at huwag gayahin ang pagkanyon ng tubig ng China.

“We’re not going to be the reason to escalate the tension. We’re not going to be the reason to be an excuse for the Chinese government to bring in their warships and elevate the tension, sasabihing tayo ang nagsimula ng gulo,” saad ni Tarriela.

Sa kabila ng pangha-harass ng China sa West Philippine Sea ay nangako ang PCG na patuloy pa rin ang kanilang pagmo-monitor sa teritoryo ng Pilipinas.

“Magpapatrolya pa rin dyan, mamimigay pa rin ng ayuda sa mga mangingisda, that’s our patriotic duty that we are sworn to do. Hindi kami mapipigilan ng China,” saad ni Tarriela.