PH, Australia, palalakasin kolaborasyon sa maritime security

Tatlong kasunduan ang sinelyuhan ng Pilipinas at Australia ngayong araw.

Tatlong kasunduan ang sinelyuhan ng Pilipinas at Australia ngayong araw.

Ito ay matapos lumagda si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Australian Prime Minister Anthony Albanese sa tatlong kasunduan na nakatutok sa pagpapalakas ng kolaborasyon sa maritime security, cybersecurity at trade o komersyo.

Inihayag ng Presidente sa nasabing mga kasunduan mas lalakas pa ang information sharing, capability building sa aspeto ng interoperability sa maritime domain ng Pilipinas at Australia.

Bukod pa dito ang inaaaahang mas matatag na partnership sa aspeto ng cyber and critical technology gayundin ng competition law.

Dagdag pa ng Pangulo may kabuuang 120 na mga kasunduan na nalagdaan sa mga nagdaan pang panahon ang dalawang bansa.

Ang tatlong panibagong kasunduan ay naka sentro at may kauganayn sa larangan ng air services, edukasyon, research, scientific cultural cooperation at defense cooperation.

“The three agreements exchanged today (Feb. 29) shall enhance information sharing, capability building, and interoperability between our relevant government agencies in the maritime domain and maritime environment, cyber and critical technology, and competition law,” pahayag ni Pangulong Marcos.