PGH, Paco Market magkasabay nasunog sa Maynila

Nagliyab ang ilang parte ng Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila nitong Sabado ng gabi.

Nagliyab ang ilang parte ng Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila nitong Sabado ng gabi.

Batay sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, nangyari ang sunog sa storage room ng pharmacy ng ospital.

Matatandaan na hindi ito ang unang beses na nasunog ang PGH ngayong taon.

Noong Marso ay nagliyab din ang ilang parte ng ospital, kung saan kinailangang ilikas ang mga pasyente ng PGH.

Samantala, wala namang naitalang nasawi sa naturang sunog.

Bukod sa PGH, nagliyab din ang Paco Market kung saan umabot sa ikalimang alarma ang sunog.

Umabot pa sa Paco Catholic School ang sunog na tumagal ng lampas limang oras at nadeklarang fire out bandang ala-1 ng madaling-araw.