PGH nagliyab, mga pasyente pinalikas

Nasunog ang ilang parte ng main building ng Philippine General Hospital (PGH) nitong Miyerkoles ng hapon.

Nasunog ang ilang parte ng main building ng Philippine General Hospital (PGH) nitong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa Office of the Student Regent ng University of the Philippines, nagsimulaa ng sunog sa wards 1 at 3 ng PGH.

Ang PGH ay nagsisilbing medical center ng UP College of Medicine.

Samantala, itinaas na ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang second alarm bandang alas-3:11 ng hapon.

Ayon naman sa Manila Disaster and Risk Reduction Management Office, umabot pa sa third alarm ang sunog bago ito idineklarang fire under control bandang alas-3:32 ng hapon.

Kinailangan ding ilikas ang karamihan ng pasyente upang maiwasan na malanghap ang usok mula sa sunog.