PFP ni PBBM, nakipag-alyansa sa NUP

Selyado na ang alyansa ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at National Unity Party (NUP).

Selyado na ang alyansa ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at National Unity Party (NUP).

Ito ay matapos personal na saksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagsasanib pwersa ng dalawang partido politikal a tinahguriang “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas’sa Makati City.

Ayon sa Pangulo, layunin ng pagsasanib pwersa ng dalawang partido ang pagpapaganda sa buhay ng Mg Filipino.

“But we organize ourselves– that’s not the marriage of convenience. It is an understanding that we must come together if we are to transform our country into the modern, safe, sustainable, growing country that we dream of, that we have all dreamed of in all our lifetime. Because at the heart of what we are doing is public service, and that is what we want to provide,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“So, when you hear that phrase, marriage and convenience, then let us answer them, no. Unity is, in fact, our ideology. That is what has brought us together. We do have ideals. This is not just to win the next elections. This is to make the Philippines a better place and that is what we doing here,” dagdag ng Pangulo.

Kasama sa lumagda sa alyansa sina PFP president Reynaldo Tamayo at NUP Chairman, Ronnie Puno; NUP President at CamSur Second District Representative Lray Villafuerte at iba pang opisyal.

Nabuo ang PFP bilang national political party noong 2018 kung saan si Pangulong Marcos ang tumatayong chairman ng partido.