Petrolyo Price Watch: Presyo ng diesel at kerosene, bababa ngayong linggo; gasolina, tataas

Magkahalong price rollback at price increase ang sasalubong sa mga motorista sa susunod na linggo dahil may mga nakaambang price adjustment muli sa mga produktong petrolyo.

Good news at bad news ang sasalubong sa mga motorista sa Undas dahil may nakaambang malaking price rollback sa diesel at kerosene, samantalang ang presyo ng gasolina ay bahagyang tataas.

Ito ay batay sa kalkulasyon ng mga kumpanya ng langis.

Ayon sa mga pagtatantya ng mga kumpanya ng langis, ang presyo ng diesel ay bababa ng P1.30 hanggang P1.70 kada litro, at ang presyo ng kerosene ay bababa ng P1.10 hanggang P1.50 kada litro.

Samantala, ang presyo naman ng gasolina ay tataas ng P0.35 hanggang P0.75 kada litro.

Gayunpaman, ang mga paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo ay maaari pa ring mag-iba dahil sa iba’t ibang dahilan, kabilang na ang foreign exchange rate, market premium, mga gastos sa biofuel, at ang pangkalahatang pagbabago sa merkado ng langis.