Petrolyo Presyo Watch ngayong linggo: Rollback sa gasolina, kerosene; dagdag naman sa krudo

Nakatakdang magpatupad ng price rollback sa gasolina ang mga kumpanya ng langis sa bansa nitong darating na linggo, samantalang nakaamba naman ang price hike sa diesel.

Nakatakdang magpatupad ng price rollback sa gasolina ang mga kumpanya ng langis sa bansa nitong darating na linggo, samantalang nakaamba naman ang price hike sa diesel.

“Based on the four-day trading of MOPS (Mean of Platts Singapore), we are expecting a mixed movement on the prices of petroleum products,” paliwanag ni Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau assistant director Rodela Romero.

Ayon kay Romero, makakaasa ang publiko na bababa ang presyo ng gasolina ng mula P1.60 hanggang P1.90 kada litro, samantalang P0.40 hanggang P0.60 kada litro naman sa kerosene.

Maaari namang tumaas ang presyo ng diesel mula P0.10 hanggang P0.20 kada litro, o kaya manatili sa parehong presyo gaya noong nakaraang linggo.

Sinabi naman ng mga eksperto sa industriya ng langis na dapat asahan pa ang mga oil price hike sa susunod na linggo dahil sa pagtaas ng interest rate at paglakas ng dolyar.