Petrolyo Presyo Watch ngayong linggo: Price rollback sa diesel, gasolina, at kerosene, inaasahan

Malalaman ang final price adjustments sa Martes, Nobyembre 21.

Asahan ang pagbaba ng presyo ng petrolyo ngayong linggo, ayon sa mga kumpanya ng langis.

Batay sa komputasyon ng mga kumpanya ng langis, bababa ng P0.60–P1.00 kada litro ang presyo ng gasolina, samantalang P0.45–P0.85 kada litro naman sa diesel.

Asahan naman ang P0.30–P0.70 na rollback sa presyo ng kerosene, na gamit sa aviation fuel at sa mga kabahayan na rin.

Gayunpaman, maaari pang magbago ang mga presyong ito depende na rin sa iba’t ibang salik gaya ng palitan ng dolyar at presyo ng biofuel. Ibig sabihin, maaaring lumiit o lumaki pa ang price adjustment.

Malalaman ang final price adjustments sa Martes, Nobyembre 21.