Petrolyo Presyo Watch ngayong linggo: Price hike sa gasolina, aabot sa P2 kada litro; presyo ng diesel at kerosene, magtataas rin

Ayon sa Department of Energy, P1.95 hanggang P2.10 ang posibleng itaas sa presyo ng gasolina. Samantala, P0.65 hanggang P0.85 kada litro naman ang tinatayang itataas ng presyo ng diesel at P0.20 hanggang P0.30 kada litro sa kerosene.

Magtataas muli ang presyo ng mga produktong petrolyo simula Martes sa ngayong linggo, Enero 30.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, P1.95 hanggang P2.10 ang posibleng itaas sa presyo ng gasolina. Samantala, P0.65 hanggang P0.85 kada litro naman ang tinatayang itataas ng presyo ng diesel at P0.20 hanggang P0.30 kada litro sa kerosene.

“[The] estimated increase is attributed to the following relevant international oil market developments such as US crude stockpile fell; Stimulus package issued by central bank of China to inject/reinforce its economic recovery; and India to become single most important driver of oil demand growth,” paliwanag ni Romero.

Ito na ang ikaapat na sunod na linggo na may pagtaas sa presyo ng petrolyo.