Petrolyo Presyo Watch ngayong linggo: Price hike sa diesel at kerosene, posibleng rollback naman sa gasolina

Maaaring mataas ng P0.20–P0.40 kada litro ang presyo ng diesel habang P0.35–P0.50 kada litro naman sa kerosene.

May nakaambang pagtaas sa presyo ng diesel at kerosene, samantalang maaaring magbaba ng bahagya ang presyo ng gasolina.

Ayon kay Rodela Romero, assistant director ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau, maaaring mataas ng P0.20–P0.40 kada litro ang presyo ng diesel habang P0.35–P0.50 kada litro naman sa kerosene.

Samantala, maaaring walang paggalaw sa presyo ng gasolina, ayon na rin kay Romero. Gumalaw man ito, maaaring bumaba ng bahagya ng P0.10 kada litro.

Bago ang nakaambang pagtaas, apat na sunod na linggo ring bumaba ang presyo ng diesel at kerosene.

Kung matutuloy naman ang rollback sa gasolina, pang-apat na sunod na linggo na ito.

BASAHIN RINPetrolyo Presyo Watch ngayong linggo: Price rollback sa diesel, gasolina, at kerosene, inaasahan