Petrolyo Presyo Watch ngayong linggo: Presyo ng diesel, gasolina, at kerosene, bababa

Bababa ng P0.40–P0.60 kada litro ang presyo ng gasolina, P1.00–P1.30 kada litro naman sa diesel, at P0.80–P1.05 kada litro sa kerosene.

Inaasahang bababa ang presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa datos na galing sa international oil trading sa nakalipas na apat na araw, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na ang presyo kada litro ng tatlong pangunahing produktong petrolyo—diesel, gasolina, at kerosene, ay inaasahang bumaba sa susunod na linggo.

Sinabi ni Romero na ang tinatayang halaga ng bawas-presyo ng gasolina ay P0.40–P0.60 kada litro habang sa P1.00–P1.30 kada litro sa diesel, at P0.80–P1.05 kada litro naman sa kerosene.

May ibang oil industry players rin ang nagsabing maaari pang bumaba ang presyo ng gasolina sa P0.40–P0.70 kada litro samantalang P1.00–P1.30 kada litro pa ang maaaring ibaba ng presyo ng diesel.