Petrolyo Presyo Watch ngayong linggo: Malaking pagtaas sa gasolina at diesel, sure na

Nasa $78 kada bariles ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado, at inaasahang tataas pa ito sa mga susunod na linggo.

Malaki ang itataas ng presyo ng petrolyo ngayong linggo.

Ayon sa mga kumpanya ng langis sa bansa, tataas ng P1.30 kada litro ang presyo ng gasolina, samantalang tataas naman ng P0.95 kada litro ang presyo ng diesel.

Hindi naman gagalaw ang presyo ng kerosene.

Kabilang ang Shell Pilipinas Corp., Cleanfuel, Seaoil Philippines, at Chevron sa mga una nang nag-abiso tungkol sa naturang malakihang price hike, na ipatutupad na bukas, Enero 23.

Ang nasabing pagtaas ay bungsod na rin ng pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado dahil sa patuloy na sigalot sa Middle East.

Nasa $78 kada bariles ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado, at inaasahang tataas pa ito sa mga susunod na linggo.