Petrolyo Presyo Watch ngayong linggo: Magkahalong paggalaw, asahan sa unang linggo ng 2024

Maaaring matapyasan ang presyo ng diesel ng P0.10–P0.35 kada litro, samantalang P1.00–P1.10 kada litro naman sa kerosene. Wala namang nakikitang paggalaw sa presyo ng gasolina.

Makakaasa ang publiko ng rollback sa presyo ng diesel at kerosene sa pagsalubong sa Bagong Taon, batay na rin sa pagtataya ng isang opisyal ng Department of Energy (DOE).

Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, maaaring matapyasan ang presyo ng diesel ng P0.10–P0.35 kada litro, samantalang P1.00–P1.10 kada litro naman sa kerosene.

Iyan ay kung pagbabatayan ang presyo ng diesel at kerosene sa pandaigdigang merkado.

“These are attributed to the ease of concerns about shipping disruptions along the Red Sea and the Russian oil output expected to hold steady in 2024. Russia diverted its oil exports from Europe to India and China,” paliwanag ni Romero.

Wala namang inaasahang paggalaw sa presyo ng gasolina. Kung mayroon man, halos P0.10 kada litro lamang ang ibababa nito.

“Final adjustments will be realized at the end of the Friday trading,” ani Romero.