Petrolyo Presyo Watch ngayong linggo: Big-time rollback, nakakasa sa darating na linggo

Bago ang nakaambang rollback, tumaas ng P12.60 kada litro ang presyo ng gasolina simula Enero ngayong taon, samantalang tumaas naman ng P5.70 kada litro ang presyo ng diesel. Ang presyo naman ng kerosene ay tumaas ng P1.94 kada litro.

Tila may maagang Pamasko ang mga motorista mula sa mga kumpanya ng langis.

Kung pagbabatayan ang mga naunang kalkulasyon nila, maaaring magkaroon ng isang big-time rollback sa presyo ng petrolyo ngayong darating na linggo.

Sa ngayon, ayon sa mga kumpanya ng langis, bababa sa P1.65–P2.05 kada litro ang presyo ng diesel, P1.55–P1.95 kada litro sa presyo ng gasolina, at P1.35–P1.75 kada litro sa presyo ng kerosene.

Kung pagbabatayan naman ang Mean of Platts Singapore (MOPS), P2.043 kada litro ang ibababa ng presyo ng diesel, P1.915 kada litro para sa gasolina, at P1.623 kada litro sa kerosene.