Petrolyo magmamahal sa Mahal na Araw

Nakatakdang magmahal ang presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na Mahal na Araw.

Nakatakdang magmahal ang presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na Mahal na Araw.

Inaasahang tataas ang gasolina ng hanggang P2.40 kada litro, habang tataas naman ang presyo ng diesel ng hanggang P1.75 kada litro.

Sa kabilang dako, magkakaroo ng dagdag P1.50 kada litro ang presyo ng kerosene.

Ipinaliwanag ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero na ang pagtaas presyo ay dulot ng pagbaba ng export ng langis mula sa Iraq.