Pertussis outbreak itinaas sa QC!

Idineklara ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pertussis outbreak sa naturang lungsod ngayong Huwebes.

Idineklara ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pertussis outbreak sa naturang lungsod ngayong Huwebes.

Ito’y matapos makapagtala ng 23 kaso ng pertussis sa Quezon City mula Marso 20. Apat na sanggol na rin ang namatay dahil dito.

“Idineklara ngayong araw ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ‘pertussis outbreak’ sa buong lungsod Quezon,” saad sa pahayag ng lokal na pamahalaan.

Ang pertussis o whooping cough ay isang nakakahawang respiratory disease. Ilan sa mga sintomas nito ang sinat, sipon, at ubo na lilitaw pito hanggang 10 araw matapos ma-expose sa isang may sakit.

Kahit anong edad ay maaaring mahawa nito, ngunit mas matindi ang epekto ng pertussis sa mga bata edad lima pababa, lalo na ‘yung mga wala pang bakuna at mahihina ang resistensya.

Batay sa datos ng Department of Health, sa unang 10 buwan ng 2024 ay 453 Pinoy na ang nagkaroon ng pertussis.