Pertussis outbreak idineklara sa Iloilo City

Itinaas ng lokal na pamahalaan ng Iloilo City ngayong Lunes ang pertussis o whooping cough outbreak sa naturang lungsod.

Itinaas ng lokal na pamahalaan ng Iloilo City ngayong Lunes ang pertussis o whooping cough outbreak sa naturang lungsod.

Ito’y matapos pumalo sa pito ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng pertussis sa lugar nitong Marso 24. May walo pang kaso ang binabantayan sa ngayon.

Kaya naman, pinaigting ng Iloilo City Health Office (CHO) ang pagbabakuna ng mga bata at mga buntis.

“Ngayong may outbreak tayo, may tinatawag tayong outbreak response immunization. So that’s why we need additional vaccines,” saad ni Dr. Roland Jay Fortuna ng Iloilo CHO.

Samantala, pinag-aaralan din ang pagdedeklara ng state of calamity sa lungsod upang makontrol ang outbreak.

“Mayroon kaming inaprobahan, 16 million yata. A big portion will be given to medicines and vaccines para makadagdag tayo. Kung necessary, we will add more funds,” wika ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas.

Una ng nagdeklara ng pertussis outbreak ang Quezon City and Pasig City.