Performance bonus ng gov’t workers, tuloy! — DBM

Nilinaw ng Department of Budget Management na tuloy pa rin ang pamimigay ng 2022 at 2023 performance-based bonuses (PBB) para sa mga empleyado ng gobyerno.

Nilinaw ng Department of Budget Management na tuloy pa rin ang pamimigay ng 2022 at 2023 performance-based bonuses (PBB) para sa mga empleyado ng gobyerno.

Ito ay sa kabila ng paghain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order No. 61 na nagpapasuspinde ng paglarga ng Results-Based Performance Management (RBPM) at Performance-Based Incentive (PBI) systems o pamimigay insentibo para sa mga mangagawa ng pamahalaan.

Ayon sa DBM, layunin lamang ng pangulo na ipa-review ang proseso ng pamimigay bonuses at hindi para ipatigil ito.

“We wish to emphasize that the release of the 2022 and 2023 performance-based incentives to qualified government workers in the government will proceed,” sabi ng DBM.

“The EO only seeks to review the Results-Based Performance Management and Performance-Based Incentive (PBI) systems of the government in order to harmonize, streamline and make the process of releasing personnel incentives more efficient and timely,” dagdag nito.

Sa pagtatapos ng review, inaasahan ng DBM na mas mapapabilis at mapapadali ang pamamahagi ng PBB at ng iba pang bonus schemes ng gobyerno.