Pera ginawang saranggola ng vlogger, sinita ng BSP!

Kinalampag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang vlogger na si Boy Tapang matapos itong gumawa ng saranggola gamit ang bills.

Kinalampag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang vlogger na si Boy Tapang matapos itong gumawa ng saranggola gamit ang bills.

Sa Facebook video ni Boy Tapang, makikita ang ilang tauhan ng BSP na kinakausap siya tungkol sa kanyang paglabag.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 247 ay hindi pinapayagan ang pagsusulat, pagpunit, pagsunog, labis na pagtupi, pag-staple o pagdikit ng paper bills.

Agad namang humingi ng paumanhin si Boy Tapang sa kanyang nagawang pagkakamali.

“Gusto ko lang pong humingi ng sorry sa Bangko Sentral ng Pilipinas dahil sa ginawa kong saranggola na gamit ang pera,” ayon sa vlogger.

“Hindi ko po intensyon na paglaruan ang pera dahil ako po ay galing sa hirap,” aniya pa.

Pinaliwanag din niya kung bakit niya nagawa ang naturang content.

“Ginawa ko lang po ‘yung content na saranggola for entertainment purposes only kasi kapag gumawa ako ng saranggola na plastic lang, napaka-common na, kaya naisipan ko na what if gumawa ako ng saranggola gamit ang pera,” saad pa ni Boy Tapang.