Peñafrancia fluvial procession, dinaluhan ng 1.3 million na deboto

Nagdiwang ang mga deboto ng Ina sa ginanap na fluvial procession matapos ang pagbabalik ng pagdiriwang

NAGA CITY – Matapos ang siyam na araw na pananatili sa Naga Metropolitan Cathedral, nakabalik na nitong Sabado, September 16, 2023 sa Basilica Minore ang imahe ni Our Lady of Peñafrancia at Divino Rostro.

Alas-5:30 ng hapon ng makarating sa Basilica Minore ang mga imahe sa pamamagitan ng Fluvial Procession.

Samantala, naging maayos naman ang daloy ng trapiko sa lugar dahil pag tutulongan ng mga tauhan ng Land Transporation Office (LTO), Highway Patrol Group (HPG), Traffic Enforcement Unit ng Naga City Police Office na pinamumunoan ni PLTCol. Gary Mangente.

Sinuguro naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang seguridad sa lugar.

Sa tala ng LGU Naga, aabot sa 1.3 Million ang mga dumalong deboto sa Fluvial Procession.