Pelikulang Pilipino, 3 taon libre sa amusement tax ng NCR LGUs

Tatlong taon na walang babayarang amusement tax sa National Capital Region (NCR) ang pagpapalabas ng mga pelikulang Pilipino.

Tatlong taon na walang babayarang amusement tax sa National Capital Region (NCR) ang pagpapalabas ng mga pelikulang Pilipino.

Ito ang naging desisyon ng Metro Manila Council (MMC) matapos makipagpulong sa local film directors.

Ang MMC ay binubuo ng mga Metro manila mayors at kasalukuyang pinangungunahan ni MMC president at San Juan City Mayor Francis Zamora.

Ayon kay Zamora, ang hakbang ay ginawa ng mga alkalde upang tulungan ang local film industry na makabangon mula sa COVID-19 pandemic.

Ang amusement tax ay ang buwis na ipinapataw ng mga local government units sa mga recreational at entertainment events na ginaganap sa kanilang hurisdiksyon.