Peksman? PCSO GM handang mag-resign kapag napatunayan dayaan sa lotto

Handang magbitiw sa pwesto si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles kapag napatunayan na totoong may dayaan sa lotto.

Handang magbitiw sa pwesto si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles kapag napatunayan na totoong may dayaan sa lotto.

Sa panayam ng ‘The Mangahas Interviews’ kay Robles, sinabi nito na tiwala siyang hindi nadadaya ang resulta ng lotto.

“Hindi po maaaring magic-in, itataya ko po ang aking trabaho diyan. Kung pwede hong ma-rig ang aming games, bukas po magre-resign po ako,” wika ni Robles.

Sa pagdinig sa Senado, ilang alegasyon na ang pinukol sa PCSO tungkol sa umano’y anomalya sa lotto.

Kabilang diyan ang in-expose ni Senador Raffy Tulfo na isa umanong owner ng lotto outlet sa Binondo ang nag-invest daw ng P90M para manalo ng P640M jackpot.

Mariin itong kinontra ni Robles at giniit na hindi pwedeng mag-invest sa PCSO dahil isa itong government-owned and controlled corporation.

“Kung i-insist niya, ipipilit niya ‘yung nag-invest ay ‘yun fake news ho ‘yon. Hindi po totoo yon,” wika ni Robles.

“Kung nama-magic, sabi mo P90 million, tatama, eh kung nama-magic ho ‘yan, hindi na ho kailangan ng P90 million, P20 lang ho,” aniya pa.