PCSO umalalay sa mga biktima ng gumuhong simbahan sa Bulacan

Nagpaabot ng tulong ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga naapektuhan ng pagbagsak ng second floor ng St. Peter the Apostle Parish Church sa Brgy. Tungkong Mangga sa San Jose del Monte, Bulacan.

Personal na nagtungo si PCSO general manager Mel Robles sa ilang ospital para dumalaw sa nasaktan sa nangyaring insidente.

Samantala, siniguro naman ni Robles na sasagutin ng PCSO ang medical bills ng anim na biktimang malubhang nasaktan sa pagguho ng balcony ng simbahan.

“In the face of this tragic accident that occurred in a place of prayer and refuge, it is our duty to make the victims feel the supportive presence of our government. Under President Bongbong Marcos’ Bagong Pilipinas, it is imperative that we extend help to those in need, particularly those who are burdened by concerns about hospital expenses,” ayon kay Robles.

Nagtungo rin ang PCSO general manager sa St. Peter the Apostle Parish Church para tingnan kung anong magagawa nila para mabilisang maayos ang simbahan.