PCSO dumipensa: Mananayang 20 beses nanalo sa 1 buwan, puro ‘low-tier’ lang

Ipinaliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office kung bakit mayroong indibidwal na nanalo umano ng 20 beses sa Lotto sa loob ng isang buwan.

Ipinaliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office kung bakit mayroong indibidwal na nanalo umano ng 20 beses sa Lotto sa loob ng isang buwan.

Sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles ngayong Miyerkoles, ang nasabing indibidwal ay nanalo lamang sa mga low-tier na laro at hindi sa jackpot prizes.

“Wala pong nanalo ng 20 jackpot games in one month. Pero maaaring ang isang tao ay mag-claim nang 20 times, or even more, sa ibang games namin,” saad ni Robles sa isang panayam.

Dagdag din diyan, posible rin umano na ibang indibidwal, tulad ng mga may-ari ng Lotto outlet, ang nag-claim ng mga premyo para sa mga tumataya.

“Kasi ‘yung mga iba walang ID, kasi ‘yung iba [ay] physically hindi kaya. So these are regular. Bago pa ako dumating, ganyan na talaga ang practice noon. Paki-claim… ‘Yung claimant ng winning ticket is not necessarily the winner,” dagdag pa nito.

Samantala, sinabi ni Robles na iimbestigahan ng ahensya ang mga panalo na ito.