PCSO: 1 bettor, tinamaan ang P111 milyong jackpot sa 6/55 Grand Lotto

Tinamaan na ang jackpot sa nakalipas na 6/55 Grand Lotto na nagkakahalaga ng P111 milyon

Isang pangarap na jackpot na naman ang natupad nitong Lunes, Setyembre 4, nang mapanalunan ng isang mananaya ang P111 milyon na premyo sa 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon sa advisory ng PCSO, nahulaan ng isang mananaya ang kumbinasyong 55-50-06-45-12-40 may tumataginting na jackpot prize na P111,039,686. Ang maswerteng tiket ay binili sa isang outlet sa may BF Resort Village sa Las PiƱas City.

Samantala, 16 na mananaya naman ang nanalo ng tig-P100,000 matapos mahulaan ang lima sa anim na winning digit. Ang mga maswerteng nanalo ay may isang taon mula sa petsa ng draw para kunin ang kanilang premyo, alinsunod sa Republic Act No. 1169 o ang batas ukol sa PCSO lottery.

Dapat isulat ng mga nanalo ang kanilang mga pangalan at pirma sa likod ng mga nanalong tiket at magpakita ng dalawang identification card o dokumento na ibinigay ng gobyerno. Ang mga premyong higit sa P10,000 ay mapapatawan naman ng 20% alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion law.