PCG vessel pinalibutan ng China sa WPS

Muling uminit ang tensyon sa Ayungin Shoal ngayong Sabado matapos harangin ng tatlong sasakyang pandagat ng China ang isang barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Muling uminit ang tensyon sa Ayungin Shoal ngayong Sabado matapos harangin ng tatlong sasakyang pandagat ng China ang isang barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea na si Commodore Jay Tarriela, ang PCG vessel na MRRV 4409 ang siyang hinarang ng mga sasakyang pandagat ng China.

“The Philippine Coast Guard (PCG) vessel, MRRV 4409, has been impeded and encircled by one (1) China Coast Guard vessel with bow number 21551, along with two (2) China Maritime Militia Vessels (CMMV) bearing bow numbers 00036 and 00314,” saad ni Tarriela sa kanyang post sa X (dating Twitter).

“MRRV 4409 has been isolated from the resupply boat due to the irresponsible and provocative behavior of the Chinese maritime forces, who have shown a disregard for the Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS),” dagdag pa niya.

Naganap ang insidente habang nagsasagawa ng resupply mission ang PCG sa Ayungin Shoal. Kasama sa aktibidad ang Unaizah May 4 (UM4), ang bangka na binomba ng China ng water cannon ilang linggo na ang nakalipas.