PCG todo-bantay sa aktibidad ng China sa Escoda Shoal

Pinaigting ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagbabantay sa Escoda (Sabrina) Shoal sa West Philippine Sea (WPS) na 'di umano'y tinatayuan ng China ng artipisyal na isla.

Pinaigting ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagbabantay sa Escoda (Sabrina) Shoal sa West Philippine Sea (WPS) na ‘di umano’y tinatayuan ng China ng artipisyal na isla.

Sa isang pahayag, sinabi ni PCG spokesman for the WPS Commodore Jay Tarriela na idineploy na nila ang barkong BRP Teresa Magbanua upang bantayan ang ilegal na aktibidad ng China sa Escoda Shoal.

Ang BRP Teresa Magbanua ang pinakamalaking sasakyang pandagat sa hukbo ng PCG.

“The 244-meter vessels, BRP Cabra and BRP Malabrigo are also doing rotational deployment from Escoda Shola para talagang, we will be more aware kung ano ang activities ng Chinese Coast Guard and the Chinese Maritime Militia together with their Chinese Research Vessels and Marine Scientist na dine-deploy nila dito,” wika ni Tarriela.

“Ang ginagamit nga kasi nilang pantambak dito sa areas na ito ay mga corals. So, ibig sabihin, they have to kill all the corals as many as possible for them to be able to use that as a foundation for their island reclamation,” paliwanag pa niya.

“Dito, kumbaga nagsisimula pa lang [on Escoda Shoal]. So, kung sasabihin natin itong pagda-dump ng coral na ginagawa nila sa Sandy Cay has allowed them to expand itong land area, surface area na ito as articifial island,” dagdag pa ni Tarriela.

Batay sa ulat ng PCG, nasa 34 ang mga barko ng China na nasa Escoda Shoal. Ngunit ang pinagtutuonan umano nila ng pansin ay ang tatlong research vessel ng China na nagsasagawa ng pananaliksik sa naturang lugar.

Ang Escoda Shoal ay may layo lamang ng 106.3 nautical miles o 197 kilometro mula sa Palawan.