PCG pinuri Vice Ganda sa pagiging makabayan: Salamat sa pagpili sa Pinas!

Pinuri ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kilalang TV host na si Vice Ganda sa pagpapalaganap ng kaalaman sa mga mahahalagang isyu sa bansa.

Pinuri ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kilalang TV host na si Vice Ganda sa pagpapalaganap ng kaalaman sa mga mahahalagang isyu sa bansa.

Kabilang na umano dito ang patuloy na paghaharas ng China sa West Philippine Sea.

Kamakailan kasi ay nag-trending ang TikTok video ni Vice kung saan ipinakita nito ang iba’t ibang isyu na kinakaharap ng bansa.

Sa platform X (dating Twitter), pinasalamatan ni PCG spokesperson for WPS Commodore Jay Tarriela si Vice.

“Maraming salamat, @vicegandako, sa patuloy na pagpili ng Pilipinas. Kahit mahirap siyang ipaglaban, sama sama tayong piliin ang Pilipinas!” saad ni Tarriela.

Hinikayat din ni Tarriela ang publiko na tumindig para sa bansa.

“Ang West Philippine Sea ay parte ng Pilipinas, piliin nating tindigan ito para sa susunod na lahi ng kabataang Pilipino!” dagdag pa nito.

TINGNAN:

@unkabogableviceganda Lagi kitang pipiliin, Pilipinas 🇵🇭 #fyp #PiliinMoAngPilipinas #ViceGanda ♬ Piliin Mo Ang Pilipinas – Angeline Quinto