PCG pinuri pagtanggi ni PBBM na bombahin ng water cannon China

Isang patunay na kapayapaan ang nais ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. matapos nitong tanggihan na bombahin ng water canon ang mga Chinese vessel.

Isang patunay na kapayapaan ang nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos nitong tanggihan na bombahin ng water canon ang mga Chinese vessel.

Ito ang ipinahayag ni National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) spokeperson Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela.

Aniya, ang misyon ng Philippine Navy at ng PCG sa WPS ay upang panatilihin lamang ang presensya ng bansa sa rehiyon at ipahayag ang soberanya ng bansa.

Isa umano sa kanilang iniiwasan ay ang magdulot ng pinsala sa iba pang mga barko na maaaring magtaas ng tensyon.

“How can the pro-China trolls explain why [Marcos] will not allow the PCG to use water cannons if they claim that he wants to engage in war and escalate tension in the WPS?” ani Tarriela.

“pro-China narrative of threatening the Filipino people based on lies and misinformation they are spreading to confuse and mislead,” saad niya.

“Their true intention is to make us submissive and silent in the face of the illegal presence, provocative actions, and bullying tactics of the China Coast Guard and Chinese Maritime Militia against the Filipino fishermen, the PCG and even the AFP,” dagdag pa ni Tarriela.

Noong Lunes, sinabi ng Pangulo na walang intensyon ang bansa na atakihin ang sinuman gamit ang mga water cannon o anumang mapanirang armas.