PCG pinuri BRP Bagacay crew sa pagharap sa China

Binigyang pagpupugay ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga crew ng BRP Bagacay (MRRV-4410) matapos harapin ng mga ito ang ginawang pag-water canon ng China sa kanila sa Bajo de Masinloc.

Binigyang pagpupugay ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga crew ng BRP Bagacay (MRRV-4410) matapos harapin ng mga ito ang ginawang pag-water canon ng China sa kanila sa Bajo de Masinloc.

Sinabi ng PCG na ang 38 miyembro ng barko at ang kanilang kapitan na si Captain Jane Gesulgon ay tumanggap ng pagkilala mula sa pinuno ng PCG na si Vice Admiral Rolando Lizon Punzalan Jr. sa isang seremonya sa Port Area, Maynila.

Dahil sa katapangan na ipinamalas, nakatanggap ang mga crew ng Coast Guard Merit Medal at ribbon nitong Huwebes.

Samanatala, noong Martes, habang nagsasagawa ng resupply mission ay sinalubong ng apat na barko ng Chinese Coast Guard (CCG) at anim na Chinese maritime militia vessels ang BRP Bagacay at BRP Bankaw.

Dito ay hinarangan at binomba ng water canon ng CCG ang naturang mga vessel.